BI bumuo ng Fact Finding Committee na mag-iimbestiga sa nabunyag na “pastillas” scheme

BI bumuo ng Fact Finding Committee na mag-iimbestiga sa nabunyag na “pastillas” scheme

by Powered by DWIZ
32 views

Bumuo ng fact finding committee ang pamunuan ng Bureau of Immigration na mag-iimbestiga sa nabunyag na sa pastillas scheme.

Ayon sa Immigration, binigyan nila ng 15 araw ang bagong komite upang imbestigahan at magsumite ng ulat kaugnay sa illegal na gawain na nangyayari sa loob ng ahensya.

Samantala, una nang nagpahayag ng pagkadismaya si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga opisyal at iba pang tauhan ng kanilang ahensiya na sangkot sa modus ng pagbabayad ng Chinese nationals upang illegal na makapag trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

0 comment

Related Posts