Isang Chinese national, pinagbabaril sa Ermita, Maynila

Isang Chinese national, pinagbabaril sa Ermita, Maynila

by Powered by DWIZ
31 views

Pinaulanan ng bala ang isang Chinese national sa Ermita, Maynila.

Ayon sa salaysay ng isang nakakita sa insidente, nakikipagsagutan umano ang biktimang si Wenyan Shao sakay ng kanyang Toyota Camry sa isang suspek na sakay naman ng motorsiklo.

Pinagbabaril umano ng hindi pa kilala suspek ang Chinese national pagsapit sa stoplight, kung saan nagawa pa ni Shao na paandarin ang kanyang sasakyan hanggang sa bumangga ito sa center island ng KKK Monument sa National Museum.

Sa ngayon agad namang nag kasa ng imbestigasyon ang Ermita Police Station 5 upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

0 comment

Related Posts