Pagdinig ukol sa POGO prostitution, pastillas scheme, tuloy sa Senado

Pagdinig ukol sa POGO prostitution, pastillas scheme, tuloy sa Senado

by Powered by DWIZ
32 views

Tuloy ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umanoy illegal na aktibidad sa Bureau of Immigration na may konektado sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ito ang tiniyak ni Senator Risa Hontiveros, sa kabila ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga opisyal at tauhan ng immigration na sangkot sa nabunyag na pastillas scheme.

Ayon kay Hontiveros na siyang namumuno sa senate committee on women and children, tatapusin nila ang kanilang imbestigasyon.

Aniya, hindi lamang kaugnay sa pastillas scheme ang kanilang iimbestigahan, kundi maging ang POGO-related prostitution.

Samantala, oras na matapos ang pagdinig ay sila naman magbibigay ng rekomendasyon upang maparusahan ang mga sangkot sa pastillas scheme at prostitusyon sa POGO.

0 comment

Related Posts