Saturday, May 4, 2024

Benepisyo para sa mga health workers isasama sa Bayanihan 2 — Roque

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakaniyang na maisasama sa Bayanihan 2 ang benepisyo ng mga health worker na pangunahing tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagamitan na mismo ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan para masigurong makatatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga health worker.

Magugunita aniya na agad na inaksyunan ni Pangulong Duterte nang malaman na hindi pa nakatatanggap ng benepisyo ang pamilya ng mga health worker na nasawi dahil sa COVID-19 at maging ng mga health worker na dinapuan ng nakahahawang sakit.

Giit ni Roque mayroon pa namang pagkakataon para siguruhin na kasama sa Bayanihan 2 ang benepisyo ng mga health worker.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img