Clinical trial sa gamot kontra COVID-19 sa Jakarta patapos na

0
22

Patapos na ang clinical trial ng isang pag-aaral sa Central Jakarta para sa herbal na gamot panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang grupo ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Indonesian Institute of Sciences at Association of Indonesian Doctors for the Development of Traditional and Herbal Medicine.

Isinalang ng grupo ang dalawang herbal medicines na layong mapalakas ang immune systems ng mga pasyenteng may COVID-19.

Sa ngayon aniya ay 72 na sa 90 ini-recruit nila ang nakakumpleto na ng trials.

Pagkatapos ng trial ay dadadaan sa pagbusisi ng food and drug monitoring agency ang gamot.