Mga repatriated OFW na nagnegatibo sa COVID-19 mahigit 9k na

0
13

Umabot na sa mahigit 9,700 ang umuwing OFW na nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula noong July 8 hanggang ngayong araw, Agosto 4.

Ito’y batay sa datos ng sub-task group for the repatriation of OFW kung saan karagdagang bilang ito sa mahigit 54,000 returning OFW na nagnegatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.

Ipinabatid naman ng task group sa mga kabilang sa listahan ng nagnegatibong OFW na makipag-ugnayan sa mga tauhan ng PCG o OWWA sa kanilang quarantine facility upang maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.