Benedicto Malcontento itinalagang prosecutor general ng National Prosecution Service

0
41

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Benedicto Malcontento bilang prosecutor general ng National Prosecution Service.

Ito ang kinumpirma ni Justice secretary Menardo Guevarra.

Gaya ng pangulo, nagtapos din si Malcontento sa San Beda College of Law.

Mandato ng National Prosecution Service na tulungan ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa pagtupad ng mga trabaho sa ahensya kaugnay sa pagiging prosecution arm ng gobyerno partikular sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga kasong kriminal.