36 patay sa gumuhong minahan sa Congo

0
55

Patay ang 36 katao sa pagguho ng minahan sa Lualaba Province sa Congo.

Batay sa ulat, pawang mga gumagawa ng iligal na pagmimina ang mga nasawi.

Naitala rin ang ilang pang mga minerong sugatan sa insidente.

Isinisi naman ng gobernador ng lualaba ang illegal mining ang trahedya.

Talamak umano kasi sa nasabing lugar ang iligal na pagmimina bilang kabuhayan ng mga residente roon.