6/42 lotto jackpot prize nasungkit na

0
52

Napanalunan ng isang maswerteng mananaya ang 6/42 lotto jackpot prize na mahigit sa P44-M na binola nuong Huwebes, June 27, 2019.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagkakahalaga ng P44, 415, 837.20 ang kabuuang maiuuwi ng maswerteng nakakuha ng kumbinasyong 19, 31, 28, 20, 16 at 3.

Nabili umano sa isang lotto outlet sa Paltao, Pulilan, Bulacan ang ticket ng nagwaging mananaya.

Samantala, 48 maswerteng manlalaro naman ang mag-uuwi ng P15,800 matapos makakuha ng limang tamang numero sa 6/42 lotto.

Kasabay nito, nagpapasalamat ang PCSO sa mga patuloy na tumatangkilik ng kanilang produkto.