Beermen nakabawi sa game 2 ng PBA Philippine Cup Finals

0
52

Nakabawi ang San Miguel Beermen sa game 2 ng PBA Philippine Cup Finals.

Ito ay matapos payukuin ng defending champion na San Miguel ang kalabang Magnolia Hotshots sa iskor na 108-101.

Malakas ang naging pagbabalik ng Beermen sa pangunguna ni Chris Ross na sumikwat ng 15 puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

Sinegundahan naman ito ni Junmar Fajardo na sumikwat ng 14 na puntos.

Ang game 3 ng salpukang San Miguel at Magnolia ay gaganapin sa the Big Dome bukas.

—–