SWS: Administrasyong Duterte nakapagtala ng ‘excellent’ na satisfaction rating   

0
39

Mas dumami pa ang mga Pilipinong kuntento sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong unang bahagi ng 2019.

Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 81 posryento ng mga  pinoy ang kuntento sa performance ng kasalukuyang pamahalaan siyam na porsyento ang hindi kuntento habang 10 porsyento naman ang undecided.

Dahil dito, nakakuha ang gobyernong Duterte ng positive 72 net satisfaction o “excellent” na mas mataas ng anim na puntos kumpara sa positive 66 na naitala nuong nakaraang quarter.

Ang naturang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng 1,440 respondents nuong Marso 28 hanggang 31.

—–