Dalawa patay sa pananalasa ng malakas na bagyo sa India

0
56

Dalawa na ang kumpirmadong patay sa pagtama ng malakas na bagyo sa India.

Ayon sa ulat, mahigit isang milyong residente naman ang kinailangang ilikas mula sa eastern state ng orissa matapos makapagtala ng mga pagbaha at nagbabantang storm surge.

Una rito , sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng paaralan at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno habang suspendido rin ang biyahe ng mga eroplano at tren.

Nag-landfall ang bagyong Fani sa bayan ng puri taglay ang lakas na nasa 200 kilometro kada oras.

—–