Ipapatupad na ng Department Of Transportation (DOTR) ang “no beep card, no ride policy” sa mga pasahero ng EDSA busway system simula sa Huwebes, Oktubre 1.
Ayon sa DOTR, bahagi ito ng kanilang hakbang para sa cashless transactions upang mabawasan ang physical contact sa pagitan ng mga pasahero at service providers at mabawasan ang posibilidad ng hawaan ng COVID-19.
Dagdag pa ng DOTR, na sa ganitong paraan ay magiging mas mabilis na rin ang transaksyon at mababawasan ang paghihintay ng mga pasahero.