COMELEC nanindigang ‘di dapat ipagpaliban ang 2022 National Elections

0
41

Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi kailangan ipagpaliban ang may 2022 elections kahit pa may banta ng COVID-19.

Paliwanag ni COMELEC Chairman Sheriff Abas, magiging mas mahirap din kung ipagpapaliban ang halalan gayong nakapaloob ito sa 1987 constitution at tanging kongreso lamang ang may kakayahang makapag desisyon hinggil sa naturang usapin.

Aniya, nasa konstitusyon din na ang termino ng lahat ng nahalal na opisyal ay kailangang matapos sa June 30, 2022.
Kung nais naman aniyang amyendahan ang naturang probisyon ay kinakailangan pa umano ng proposal na manggagaling sa 2/3 votes mula sa mga Congressman at Senators gayundin ng plebisito.

Samantala, sinabi naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na pag-aaralan na nila ang iba pang alternatibong paraan kung paano makaboto ang taumbayan.

Kanila aniyang tinitignan ang online filing of certificate at online booking of appointment for registration gayundin ang “postal voting” o di kayay ‘mail-in voting” para sa naman sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD’s).