Inilarga na ang panibagong oil price hike ng mga kumpanya ng langis kaninang ala-6 ng umaga.
Batay sa abiso ng mga kumpanyang Petro Gazz, Flying V at Shell, simula kaninang ala-6 ng umaga ay kanila nang ipinataw ang P 0.50 na taas presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina.
Ipinatupad rin ng Flying V at Shell ng P0.45 na taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Samantala, wala namang ipapatupad na price adjustment ang clean fuel.