Radio Philippines Network
Headlines National News

Beep card dapat ibigay ng libre —DOTr

Binigyang-diin ng operator ng cashless payment system na palugi na nilang ibinebenta ang kanilang Beep card sa mga pasahero.

Ginawa ng AF Payments Inc. (AFPI) ang pahayag matapos igiit ng Department of Transportation (DOTr) na dapat libre ang Beep card na pinababayaran nila sa publiko ng halagang 80 pesos.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, dapat ibigay ng libre ang mga kard bilang konsiderasyon na rin sa kalagayan ng mga mananakay sa gitna ng pandemya.

Sinabi ni Libiran na ang sinisingil ng kompanya sa mga pasahero ay pamasahe at pagkain na ng mga ordinaryong manggagawa.

Related posts

Panggugulo ng mga pirata sa mga seamen isinisi ni Duterte sa UN

Powered by DWIZ

Mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19 nadagdagan pa —DFA

Powered by DWIZ

Banta ni Duterte sa Canada hindi maituturing na iresponsable — Malakanyang

Powered by DWIZ