DepEd tiniyak na tutulungan ang mga magulang, estudyante upang makasabay sa blended learning

0
222

Tiniyak ng Department of Education na tutulungan nito ang mga magulang at estudyante upang makasabay sa ‘online blended mode of learning’.

Ginawa ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali ang pahayag isang araw bago ang pagsisimula ng klase sa Lunes, Oktubre 5 na ilang beses ding naantala dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, hinimok din ni Umali ang mga magulang na maging positibo, tingnan at pag-aralan ang bagong normal sa sistema ng edukasyon.

Ayon kay Umali, hindi naman obligado ang mga ito na tumayo bilang titser ng kanilang mga anak pero kung kaya aniya nila ay mas maigi rin lalo na kung nasa ‘early grade levels’ pa ang mga bata.