Saturday, May 4, 2024

‘Bayanihan fund challenge’ inilunsad ng PNP

- Advertisement -

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang ‘bayanihan fund challenge’ bilang tulong sa mga mahihirap na Pilipino na apektado sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, target ng ‘bayanihan fund challenge’ na makalikom sa kanilang mga kawani at opisyal ng P200-milyon, alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Duterte na pagtutulungan sa mga maralitang kababayan.

Nilinaw naman ni Gamboa na boluntaryo ang pagbibigay ng mga kawani ng PNP sa ‘bayanihan fund challenge’ bukod sa mga opisyal na obligadong i-ambag ang kanilang kalahating porsyento suweldo para sa buwan ng Mayo.

Samantala, matatandaang una nang nagbahagi ng kanilang basic salary ang mga kawani at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang tulong sa pagbili ng medical supplies.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img