Rio De Janeiro governor nagpositibo sa COVID-19

0
12

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang gobernador ng Rio De Janeiro na si Wilson Witzel.

Sa post online, sinabi ni Witzel na ilang araw nang masama ang kanyang pakiramdam at dumaing din na may lagnat at pamamaga ng lalamunan o sore throat kung kaya’t agad itong sumailalim sa COVID-19 test.

Sa datos, si Witzel ang itinuturing na pinakabagong opisyal ng Brazilian government na dinapuan ng virus.