30 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Initial report sa Jolo shooting ‘fabricated’ —AFP

- Advertisement -

Kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong cover up sa naganap na pamamaril ng siyam na pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa naganap na pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni AFP chief Gilbert Gapay na kanilang natuklasan na fabricated o gawa-gawa lamang ang nilalaman ng initial report ng nasabing insidente.

Sinabi pa ni Gapay, hindi kasi kapani-paniwala ang spot report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) at napakarami aniyang hindi pagkaka tugma-tugma, at misleading pa ang naturang report.

Iginiit din ng AFP chief na sinadya o talagang intensyon na patayin ang mga sundalo dahil puro sa likod aniya ang tama ng bala sa mga katawan ng mga ito.

Kung bakbakan aniya ang naganap, gaya ng iginigiit ng PNP —ay sa harap ang tama ng bala sa katawan ng mga sundalo.

Dagdag pa nito, ang nangyari aniyang pamamaril sa mga sundalo sa Jolo, Sulu ay kagaya ng nangyaring pagbaril din ng pulisya sa dating sundalong si Winston Ragos—dahil puno aniya ng ‘inconsistencies’ ang istorya ng PNP.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -