Bayan Ng Nabua Mas Pang Naghigpit Sa Kaso Ng ASF

0
79

Iriga City – Mas lalo pang hinigpitan sa bayan ng Nabua ang kanilang pagbabantay sa mga kinakatay na baboy sa 42 na barangay., itoy kasunod ng napa-ulat na kaso ng African swine fever (ASF) sa ilang babuyan.

Sa panayam ng Radyo Ronda kay Boyet Duran, Municipal Agriculturist ng Nabua tuloy-tuloy ang kanilang mga check point upang mabantayan ang mga nagtitinda ng iba pang by product galing sa baboy, lalo na ang mga nagkakatay sa kanilang mga barangay na dapat sa slaughterhouse lamang.

Una rito, inulat ng Department of Agriculture na positibo ang ilang baboy sa bayan ng Bula, Minalabac, Pili at bayan ng Nabua na ngayon ay subject sa de-population.

Ayon kay, Emily Bordado, spokesperson ng DA Bicol pansamantala nilang ibinawal ang pagbebenta at pagkatay ng baboy na hinde dumaan sa pagsusuri ng Municipal Agriculture Office.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Interview with Boyet Duran)

Leave a Reply