Saturday, May 18, 2024

Bawas-singil sa kuryente ipatutupad ng Meralco ngayong buwan

- Advertisement -

Kasado na ang bawas-singil ng Meralco ngayong buwan.

Ayon sa Meralco mababawasan ng P6. 23 centavos kada kilowatt hour o  nasa P8.4288 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan mula sa P8.4911 per kilowatt hour nuong isang buwan.

Nangangahulugan ito na P12.00 ang makakaltas sa bayarin sa kuryente ng mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour ngayong buwan.

Sinabi ng Meralco na bumaba ang singil sa kuryente dahil sa nabawasang demand sa kasagsagan ng community quarantine period.

Ang singil sa kuryente ngayong buwan ay maituturing na pinakamababa sa nakalipas na tatlong taon o simula nuong September 2017.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -