Isa patay, 3 sugatan sa pagsabog ng granada sa Mandaluyong

0
39

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa Mandaluyong City kaninang umaga.

Ito’y ayon kay Mandaluyong City Police Chief P/Col. Remigio Sedanto ay makaraang taniman umano ng granada ang motorsiklo ng isa nitong tauhan na si P/Ssgt. Aldin Salido.

Naniniwala si Sedanto na may kinalaman sa trabaho ni Salido ang pagpapasabog sa kaniyang motorsiklo bilang miyembro ng Mandaluyong City Police Drug Enforcement Unit.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, itinanim ang granada sa ilalim ng motorsiklo ni Saligo na sumabog matapos na dumaan sa isang hump sa Martinez Street.

Nalaglag ang granada at sumayad sa lupa kaya’t ang nasabugan nito ay ang kasunod na tricycle at mga naglalakad sa lugar.

Aminado rin ang pulis na si Salogo na bago pa man ang insidente, nakakatanggap na umano siya ng pagbabanta sa kaniyang buhay.