Saturday, May 4, 2024

Barangay officials na dawit sa illegal na sabong kahit may ECQ, sumuko na

- Advertisement -

Sumuko na ang isang kapitan at ilang barangay officials na itinuturong sangkot sa ilegal na sabong sa kabila ng enhance community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon.

Kinilala ang mga umano’y pasimuno sa illegal cockfighting sa Barangay 129 na sina Chairman Brix John Rolly Reyes, at mga kagawad nito na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes at John Cris Domingo.

Sumuko si Chairman Reyes kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, matapos magbanta ang alkalde na magpapatupad ito ng manhunt operation laban sa mga naturang opisyal ng barangay.

Nasa kostudiya na ng Caloocan City Police Si Reyes at iba pa nitong mga kasamahan at nakatakdang iturn-over sa Manila Police Department na siyang may hurisdiksyon sa Manila North Cemetery, kung saan naganap ang ilegal na aktibidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img