Balik alindog program ni Rochelle Pangilinan matagumpay

0
130

Nagbubunga na ang balik alindog program ni dating Sexbomb dancer Rochelle Pangilinan.

Sa ibinahagi niyang larawan sa kaniyang Instagram account, ipinakita ni Rochelle ang kaniyang postpartum body na ikinumpara niya sa kaniyang katawan isang buwan matapos niyang manganak sa panganay nila ni Arthur Solinap na si Shiloh.

Sinabi ni Rochelle na mas ginanahan pa siyang magbawas ng timbang dahil sa epekto ng isang oras na light exercises kada araw.