PAL kinilala bilang World’s Most Improved Airline 2019

0
47

Kinilala ang Philippine Airlines (PAL) bilang ‘World’s Most Improved Airline’ para sa taong 2019.

Sa anunsyo ng Skytrax, isang international air transport rating organization, ang PAL ang may pinakamalaking naging improvement sa product at service mula sa mahigit 350 pangunahing mga airline companies sa buong mundo.

Bukod dito, nakuha na ng PAL ang ika-30 pwesto sa world ranking ng mga airlines ngayong taon, malayo sa dati nitong pwesto sa ika-49 na pwesto noong 2018.