Hosting ng Pilipinas sa SEA Games hindi apektado ng resignation ng pangulo ng POC

0
49

Walang magiging epekto sa hosting ng Pilipinas ng 2019 Southeast Asian Games ang pagbibitiw ni Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas.

Ayon ito kay Congressman Elect Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation, bagamat nalulungkot siya sa naging hakbang ni Vargas.

Kaugnay nito, nanawagan si Cayetano sa sports leaders na magkaisa para maging matagumpay ang hosting ng bansa ng SEA Games na isang malaking karangalan sa Pilipinas.

Ang SEA games ay itinakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.