Tuesday, May 7, 2024

Bagyong ‘Tisoy’ death toll sumampa na sa 11 —otoridad

- Advertisement -

Sumampa na sa kabuuang 11 ang bilang ng patay dahil sa hagupit ng bagyong Tisoy.

Batay sa report na inilabas ng police regional office 5, lima ang kumpirmadong patay sa kanilang area of responsibility.

Kabilang sa mga ito ang isang nakuryente sa Camarines Sur, dalawa sa Sorsogon kung saan isa rito ang nalunod, at isa naman ang namatay habang nasa evacuation center .

Kasabay nito, lima rin ang naitalang nasawi sa MIMAROPA batay na rin sa inilabas na ulat ng Mimaropa Police Regional Office.

Kinilala ang mga ito bilang sina Ildefonso Reyes Delos Santos, Jessie Santos, Efren De Guzman Cueto, Domindor Motol Lazo na pawang mga residente ng Oriental Mindoro, at isang Bernabe Minay Lundag na residente naman ng Marinduque.

Samantala, isa naman ang napaulat na nasawi sa Ormoc City dahil sa matinding pinsalang tinamo nito sa katawan matapos mabagsakan ng puno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img