Bagyong Rosita inaasahang lalabas ng PAR ngayong hapon

0
50
(5am UPDATE)

Bahagyang humina at nananatiling halos hindi gumagalaw sa bahagi ng West Philippine Sea ang bagyong Rosita.

Sa huling tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA namataan ang bagyo sa layong 210 kilometro hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras at pagbugsong papalo sa 120 kilometro kada oras.

Inaasahang tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo mamayang hapon.

Wala na ring nakataas na tropical cyclone warning signal sa mga lugar sa bansa.

Ayon sa PAGASA asahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan sa bahagi ng Northern at Central Luzon.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods.

Mapanganib pa rin ang paglalayag sa the seaboards ng Northern Luzon at western seaboards ng Central at Southern Luzon.

—-