Malaking bahagi ng Northern Luzon walang kuryente dahil sa ‘Rosita’

0
56

Nakaranas ng power outage ang malaking bahagi ng Northern Luzon matapos ang pananalasa ng bagyong Rosita.

Nagtumbahan ang ilang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga lalawigan ng Apayao, Kalinga, Cagayan, Nueva Vizcaya, Isabela, Ifugao at Quirino dahil sa lakas ng hangin.

Itinumba rin ng malakas na hangin ang ilang cell site, mga puno at winasak ang bubong ng mga maliit na bahay sa mga nabanggit na lugar kaya’t pahirapan ang komunikasyon.

Samantala, nagsagawa naman ang national power corporation ng precautionary measures sa pamamagitan ng pagpapakawala ng tubig sa kanilang mga hydroelectric dam tulad ng Ambuklao, Binga, San Roque, Angat at Caliraya dams.

—-