Ilang flights kanselado pa rin dahil sa masamang panahon

0
43

Kanselado ang ilang flights ngayong araw dahil pa rin sa sama ng panahon dulot ng bagyong Rosita.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga apektadong flights ay ang biyaheng Maynila patungong Cauayan at pabalik ng Maynila ng Cebu Pacific.

Maliban dito, kanselado naman ang biyaheng Maynila patungong Basco at pabalik ng Skyjet.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.

—-