Sunday, April 28, 2024

Bagyong ‘Nimfa’ napanatili ang lakas — PAGASA

- Advertisement -

Napanatili ng Bagyong ‘Nimfa’ ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon patungo sa borderline ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 758 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Inaasahang lalabas ang bagyo ng PAR sa Sabado.

Asahan namang magdadala ng pag-ulan ang habagat sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Western Visayas.

Habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -