Sunday, May 5, 2024

Bagyong ‘Nimfa’ inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado — PAGASA

- Advertisement -

Mabagal na kumikilos ngayon ang Tropical Depression ‘Nimfa’ pa-kanluran, hilagang kanluran sa hilagang bahagi ng Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Nimfa’ sa layong 715 kilometro silangan, hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May lakas itong aabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Mabagal itong kumikilos sa direksiyong pa-kanluran, hilagang kanluran.

Inaasahan namang makalalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img