Friday, May 3, 2024

Bagyong Ambo bumagal na ang kilos

- Advertisement -

Halos hindi na gumagalaw at posibleng maging sama na lamang ng panahon ang bagyong Ambo sa susunod na 12 oras.

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes habang kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilaga.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 kilometro sa hilagang-kanluran ng Calayan sa Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugso ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img