Baguo: Pulis Kalinga naninira ng 4.4M halaga ng tanim na marijuana

0
13

(Baguio City-Tabuk City Kalinga) Dahil sa mahigpit na kampanya ng Philippine National Police kontra sa illegal na druga, ang Pulis ng  Kalinga Police Provincial Office (PPO) ay nakadiskubre at nanunog ng may kabuang halaga ng tanim na Marijuana sa probinsiya ng  Kalinga. Sa lungsod ng Tabuk, may kabuang 12,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP2,400,000.00 ang natagpuan ng magkasanib na pangkat ng mga maykapangyarihan kasunod ng pagsugpo ng  marijuana operation na isinagawa sa  Brgy. Nambaran, Tabuk City. Kasabay nito sa  Tinglayan, Kalinga may 10,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng  PhP2,000,000.00 ang natagpuan ng mga otoridad sa  Brgy. Tulgao East. Ang lahat na natagpuang tanim na Marijuana ay sinunog mismo sa naturang lugar habang ang ilan sa mga ito ay dinala sa  Regional Forensic Unit-Cordillera upang masusing masuri. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO -COR)

Leave a Reply