Tuba, Benguet – Ang Lungsod ng Baguio ay tumulong sa kapit bahay nitong munisipyo ng Tuba na tinamaan ng sunog matapos ang alas dose ng Bagong taon.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na isa ang Baguio City Fire Station sa pinaka unang tumugon sa insidente ng sunog upang tulungan ang kanilang katapat na pamatay ng sunog ang Tuba Fire Station.
Sinabi ni City Fire Marshal FSupt Marisol Odiver na agad siya kaagad napadala ng apat na truck na pamatay sunog at isang ambulansiya sa Sitio Camp 6, Camp 4, Tuba, Benguet.
Samantala, sinabi ni Magalong na ang Baguio Water District at ang iba pang volunteers o mga nagkusang loob ay naroon din upang umapula ng sunog sa oras na 1:36 ng madaling araw.
Inutusan ni Mayor Magalong ang opisyal ng City Disaster Risk Reduction Management na si ginoong Charles Bryan Carame na itrabaho ang pag-apruba sa lokal na konseho ng lungsod ng halagang tatlong daan libong piso bilang tulong sa mga naapektuhang pamilya.
Samantala, sa kanyang capasidad bilang pinuno ng Metropolitan Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay Development Authority (MBLISTTDA) ang alkalde ay nakipagkita kay Tuba Municipal Mayor Clarita Sal-ongan na siya ring namuno ng isang pagpupulong ng Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council noong unang araw ng Enero upang magbigay ng maaring gawin ng naturang bayan pagkatapos ng isang sunog o kalamidad.
Samantala, ang Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office ay naghanda din ng tulong pinansial sa 36 pamilyang nasunugan. Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Tuba Municipali Police Station na ang sunog ay nagsimula ng bandang ala una bente ng madaling araw sa isang abandonadong bahay na gawa ng magaan na materiayales.
Samantala, ang sanhi ng sunog at kung saan ang lawak ng pinsala ay patuloy pa rin iniimbestigahan ng kinauukulan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)