Friday, May 17, 2024

Baguio: Tulong Medikal para sa mga mamamayan ng Kabayan, Benguet; Isa sa mga patuloy na programa ni Gobernador Diclas

- Advertisement -

Kabayan, Benguet – Tiniyak ni Governor Melchor Diclas ang patuloy na pagbibigay ng tulong medikal lalo na ang pagpapalapit ng programa at serbisyo sa larangan ng kalusugan para sa lahat ng mamamayan ng Kabayan.

Ito ang sinibi ni Diclas kasabay ng ginanap na paglulunsad ng pagdiriwang ng ika-14th Eco-Agri Tourism at Bindiyan Festival nakaraang Abril 04, 2023.

Tiniyak ng gobernador na tutulong siya upang magkaroon ng pasilidad tulad ng Rural Health Unit (RHU) sa nasabing bayan. Kanyang iginiit ang pagkakaroon ng digital x-ray machine upang agad malaman ng mamamayan ang resulta ng laboratory nila.

Una na rito, Sinabi ni Kabayan Municipal Mayor Florante Bantales Jr. na si Gobernador Diclas ay nagbigay ng 6 million pesos para gamitin ng Kabayan Rural Health Unit.

Samantala, maliban sa kalusugan, tiniyak din ni Diclas ang patuloy na suporta nito sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng farm-to-market roads, ang patuloy na programa sa larangan ng edukasyon, turismo at ng iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kabayan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -