Baguio: Tour guiding aktividad ng DOT-CAR naisagawa sa Benguet

0
0

(Baguio City-La Trinidad, Benguet) Isang Community Tour guiding seminars ang isinasagawa ng Department of Tourism – Car sa iba’t ibang munisipio at probinsiya. Dito sa rehion Cordillera kasunod ng pagganda ng situasyon ng pandemia sa CAR region. Nais ng nasabing seminar na bigyang kaaalaman ang mga  dadalo  tulad  pagbibigay ng magandang serbisyo at maging pamantayang pandaigdig sa mga turista.

Kamakailan lamang, 22 ang sumali sa nasabing community guiding seminar na nagmula pa sa munisipio ng La Trinidad. Ang mga ito ay kinilala bilang bagong accredited community tour guides na tutulong sa munisipio ng La Trinidad upang isulong ang promotion ng mga tourist sites kasama rito ang kultura at tradisyon na pinahalong kankana-ey at ibaloy. Ayon sa ulat, 24 ang nakatapos sa isang linggong community guiding seminar na isinagawa ng DOT-Car. Inaasahan na ang mga ganitong pagsasanay at seminars ay isa mga instrumento na makakatulong na mapaganda ang industrya ng turismo sa Region Cordillera. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to LGU Tourism Office

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here