26.4 C
Manila
Wednesday, December 6, 2023

Davao: P145 million na halaga ng illegal na mga kahoy nakuha, 17 arestado kasama ang tatlong dayuhan

- Advertisement -

Nasamsam ng mga miyembro ng Regional Special Operation Group (RSOG) XI ang P145,500,000.00 halaga ng Agar Wood sa isinagawang operasyon sa pamumuno ni PLt. Wilquin Enciso sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Ronnie Fabian kasama ang Tagum City Police Station sa pamumuno ni PLt. Colonel Jay Dema sa ganap na 8:25 ng gabi, Oktubre 7, 2022 sa 08 doctolero avenue, Brgy Magugpo, Tagum City.

Kung saan inaresto ang 17 indibidwal kabilang ang tatlong dayuhan.

Kinilala ni PLt. Ang mga naaresto ay sina Silas Philip Tayabas 42-anyos, Renato Bosquit 47-anyos, Jay Rebao 32-anyos, Mark Geneston 39-anyos, Benjamin Alfeche Jani Jr., 44-anyos, Arnolfo Ishikawa 41-anyos, Jacqueline Sato 46-anyos, Ricky Inojales, Richard Layan 43-anyos, Edwin Lawanis 42-anyos, Elmer Sison 72-anyos, Jay Glen Anzon 38-anyos at Roldan Tupiasan 35-anyos, Dennis Asuncion 52-anyos.

At ang tatlong Malaysian National na bumibili ng mga punong iyon ay sina Hamdan Zakaria 42-anyos, Alyasah Zakaria 46-anyos at Shahidan Saari 58-anyos.

Ayon kay PLt. Malinaw na nakuha sa mga suspek ang maraming Agar woods sa kanilang pag-aari.

Kasama sa nakumpiskang pera ay P5,317,000.00 na ibinayad para mabili ang mga punong iyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tagum City Police Station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso

Paglabag sa PD 705 at RA 9147.

Source: RSOG XI

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -