Baguio: Tatlong Human Immunodeficiency Virus (HIV) treatment hubs itatayo sa rehion ng Cordillera ngayong taon

0
6

Tatlong Human Immunodeficiency Virus (HIV) treatment hubs ang inaasahang bubuksan ngayong taong ito sa Cordillera region na ninanais na makapagbukas ng kahit isang one HIV treatment facility sa bawat probinsiya sa lahat ng taong may HIV. Ito ang sinabi ni ginoong Darwin F. Babon, ang Regional Program Manager – National AIDs, and STI Prevention Control Program for Cordillera Administrative Region (CAR). Sinabi ni ginoong Babon na ang mga treatment hubs ay itatayo sa Far North Luzon General Hospital and Training Center ng probinsiya ng Apayao; sa La Paz Rural Health Unit ng La Paz, Abra, at sa Kalinga Provincial Hospital sa lungsod ng Tabuk.

Inihayag din ni ginoong Babon ang pagkakaroon ng Certified Rapid HIV Diagnostic Algorithm Confirmatory Laboratory or CrCL sa rehion ng Cordillera. Bago pa lamang itatag ang Baguio General Hospital bilang Certified rHIVda confirmatory site, ang mga screened samples for confirmation ay kinakailangan pang dalhin sa San Lazaro Hospital sa Maynila at ang confirmatory results ay nagtatagal pa ng isa o dalawang buwan.

(Joel Cervantes/Jim Bernabe, photo courtesy of Philippine Information Agency Cordillera)

Leave a Reply