Baguio: Taniman ng marijuana sa Kayapa, Bakun Benguet natagpuan ng otoridad

0
3
(Photo courtesy of PRO Cordillera)

Otoridad nakatagpo at sinamsam ang tanim na Marijuana na nagkakahalagang 200,000 piso sa isinagawang Marijuana Eradication Operation sa Sitio Pugonngan, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet noong Biyernes Abril 5.

Ayon sa ulat na nakarating kay PRO Cordillera Regional Director, PBGen. David K. Peredo Jr., ang magkasamang anti-illegal drugs na mga operatiba ng Bakun Municipal Police Station (MPS), Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit-14, at ng PDEA-CAR ay nakabunot at nanunog ng may kabuang 1000 piraso ng ganap na laki ng tanim na Marijuana at may kabuang halaga ng PhP 200,000.00 ang natagpuan sa nasabing barangay.

Sa kasalukuyang, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga nasa likod ng nagtanim ng illegal na druga. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PRO Cordillera)

Leave a Reply