Baguio: State of Calamity, naideklara sa Apayao

0
4

Apayao Province – Nasa ilalim na ng state of calamity ang buong probinsiya ng Apayao dahil sa epekto ng Bagyong Egay.

Umabot sa 1.2 billion piso ang naitala ng probinsiya na mga nasira dahil sa nasabing bagyo.  Batay sa pinakahuling datos, ang nasabing probinsiya, hangang sa ngayon may nawawala pang mga tao.

Kasalukuyan din isinasagawa ang Search-and-rescue operations ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at ng mga volunteer groups.

Ganon din na patuloy ang isinasagawa ng lokal na gobierno doon upang bigyan ng tulong ang mga nangangailangan.

Ipinasailalim sa state of calamity ang probinsiya para magamit din ang pundo sa calamidad at madaling maisagawa ang mga kanilang katungkolang sa mga gawain pagtulong sa kababayan. (Joel Cervantes, photo courtesy of PLGU Apayao)

Leave a Reply