Baguio: Security guard na nangmolestia sa limang menor de edad sinampahan na ng kasong Act of Lasciviousness

0
5

Baguio City – Humaharap ngayon ng reklamo sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination sa isang security guard sa isang paaralan dito sa lungsod ng Baguio.

Base sa ulat ng pulisya, ang security guard ay nasa husto ng gulang, may asawa at naninirahan sa lungsod ng Baguio.

Ang mga biktima ay pawang mga babae na senior high school na mga mag aaral ng isang paaralan na kanyang binabantayan.

Batay pa rin sa ulat ng pulis, mula sa Baguio City Police Office substation 7 sa abanao, ang security guard umano ang nangmolestia sa mga biktima mula noong April a 26 hangang a 27, 2023. Nangyari umano ito noong humingi ng pabor at tulong ang mga biktima sa kanya.

Base sa ulat ng pulisya, hinayaan ng suspek ang isa sa mga biktima na pumasok sa guard house upang makita ang kapapanganak na aso.  Ngunit bago ito payagang pumasok, hinila umano ito sa baywang ng biktima at sapilitang pinaupo sa tuhod nito.  Kasunod nito ay ang paghaplos sa katawan ng biktima.  Ang ikalawang pangyayari ay nangyari sa isa sa mga senior high school student.

Nangyari ito noong Abril a 17, 2023 noong humiram ang isa sa mga biktima ng gunting mula sa suspek na gagamitin nila sa project nito.  Tulad ng naunang biktima bago ibinigay ang hinihiling nito ay minolestia pa muna ito.

Bago ang nasabing insidente ay dalawa pa sa mga kamag aral nito ang naging biktima na pinagsamantalahan ng suspek.  Napag alaman na lamang ito noong nagsumbong ang mga estudyante sa prinsipal ng paaralan.

Sa huling ulat ng pulisya, ang kaso laban sa suspek ay naisampa na sa City Prosecutor’s Office ng lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio city PNP file)

Leave a Reply