Baguio: Probinsiya ng Benguet, may mataas na GAP-Certified sakahan sa buong Rehion ng Cordillera

0
5

La Trinidad, Benguet – Nananatili ang probinsia ng Benguet na may mga maraming bilang ng Good Agricultural Practices (GAP)-certified na sakahan sa buong rehion Cordillera mula pa na nag umpisa ang pagtataguyod ng GAP.

Ayon kay Ginoong Inocencio Bernard, ang Provincial Agriculturist II ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG)- Benguet, patuloy ang pagpapatunay na isinasagawa sa mga humihinging magsasaka para sa GAP-certification. Sinabi niya na noong nakaraang taon ay may mga 132 na GAP-certified na magsasaka at sa kasalukuyan ay 65 sakahan ang nasa ilalim ng validation para sa renewal ng certification nila.

Sinabi rin niya ang munisipio ng Mankayan, Bengeut ang may GAP certified na sakahan, sumunod ang Kapangan at ang Buguias habang dumadami ang mga kabataang kasama ang mga GAP-certified na magsasaka.

Samantala, hinikayat ni Ginoong Bernard ang mga interasado na maging GAP- certified upang maging bahagi sila sa isinasagawang training at seminars sa iba’t ibang munisipyo ng probinsiya. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)

Leave a Reply