Baguio: Police Regional Office pinaigting ang pagsisikap nito upang mahanap ang mga missing persons sa Rehion Cordillera

0
17
photo courtesy of PRO-CAR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nakapagtala ang PRO-CAR ng may kabuuang 25 nawawalang tao sa buong rehion mula Enero a primero hanggang Oktube a 25 ng taong ito.

Ang Lungsod ng Baguio ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nawawalang tao at iniulat itong may pitong tao nasa listihan nito. Sinundan ito ang probinsiyan ng Kalinga na may lima, Benguet at Ifugao na may apat bawat isa. Habang ang Abra at Mountain Province ay may tag-dadalawa at ang Apayao ay may napaulat na isa.

Sa 25 napa-ulat na mga nawawala, 21 na ang natagpuan na at kasama na nila ang kani kanilang pamilya. Habang isinusulat ang balitang ito, apat pang katao ang nanatiling nawawala.

Isang 16-taong gulang na lalaki sa Apayao; at isang 16-taong gulang na babae sa lungsod ng Baguio; at 81-taong gulang na babae sa lungsod ng Baguio; at isang 37-taong gulang na lalaki sa Benguet. (RPN-Baguio, Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply