35 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Baguio: Philippine Drug Enforcement Agency sinira ang 18.3 milyong pisong halaga ng tanim na Marijuana sa Kalinga

- Advertisement -

Ang walang tigil na pagsugpo ng kampanya laban sa marijuana sa probinsiya ng Kalinga ay nagresulta sa paglansag ng may kabuang hindi hihigit o kukulang sa 91,500 piraso ng ganap na laki na mga tanim na marijuana na may kabuang halaga ng 18,300,000.00 na nadiskubre sa limang taniman sa barangays Ngibat and Buscalan, Tinglayan noong lunes at Martes ng buwang ito.

Ang magkasanib na pangkat ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 at PDEA-Cordillera katuwang nila ang PNP Cordillera units ay matagumpay na nagsagawa ng dalawang araw na sabay-sabay na marijuana eradication campaign na nanira ng halagang Php14,100,000.00 ng ganap na laking marijuana sa Buscalan.

Samantala, sa Brgy. Ngibat nagkakahalaga ng Php4,200,000.00 ng mga tanim na Marijuana ay ang sinunog sa pook kung saan nila ito natagpuan. Kung inyong matatandaan na noong Septyembre 25-29, 2023, may nagkakahalaga ng Php7.2 million ng ganap na mga laki na tanim na Marijuana ang sinira sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga sa pamamagitan ng magkatuwang na puersa ng PDEA- Regional Office 2, PDEA- Cordillera, at ng tauhan ng PNP Cordillera .

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bermabe, photo courtesy of PDEA-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -