Baguio: Patuloy ang pagsasagawa ng lungsod ng Baguio sa laban nito sa vapedemic o ang pagkahaling ng vaping sa mga kabataan

0
6
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang Smoke-Free Baguio Task Force nasa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong at ng Public Order and Safety Division (POSD) ay humaharap ngayon sa hamon kung paano ito masusugpo ang pagiging gumon sa naturang bisyo.

Ayon sa ulat, lumalaki ang bilang ng mga nahuhuli kaugnay sa laban sa paninigarilyo at ang karamihan sa mga nahuhuli ay mga menor de edad o mga bata pa.

Kaya gumawa ng hakbang ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng hepe ng POSD na si Daryll Longid nabuo ng isang task force na tutugon sa naturang problema na magbibigay ng kamalayan at ang pagpapatupad ng regulasyon laban sa problema sa vaping.

Upang mabigyan ng ngipin ang naturang task force, nakipag-ugnayan sila sa mga paaralan sa pagsasagawa ng panuntunan kontra sa vaping.

Sa kasalukuyan, may dalawang paaralan o unibersidad ang aktibong nagpapahayag ng kamalayan sa vaping.

Ang mga ito ay ang University of Baguio at ang University of Cordilleras. Sila ay bahagi na sa pagwasak sa bisyo sa E-cigarettes at nagsasagawa rin sila ng usapan sa mga panganib na dala ng mga ito. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: Baguio City Public Information Office)

Leave a Reply