Iriga: Albay Health Office, sinegurong wala pang kaso sa lalawigan ng “woofing cough” ngunit nagpaalala sa kahalagahan ng pagpapabakuna

0
4
photo courtesy of Albay PIO

Kinumpirma ni Jan Edmund Dominic Bailon, pinuno ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) na wala pang naitatalang kaso ng “woofing cough” o pertussis ang kanilang opisina simula Enero hanggang unang Araw ng Abril ng taong kasalukuyan.

Bagaman wala pang naitatalang kaso ng naturang sakit sa probinsya, muling nagpaalala ang Albay Provincial Health Office (APHO) sa publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna laban dito, lalo na sa mga sanggol.

Maaaring maiwasan ang pertussis sa pamamagitan ng tatlong doses ng DTaP (diphtheria, tetanus, at acellular pertussis) vaccine.

Inire-rekomenda rin ng PHO ang DTaP/IPV/Hib vaccine sa mga sanggol para makaiwas sa mga sakit katulad ng diphtheria, tetanus, whooping cough (pertussis), polio, and Hib (Haemophilus influenzae type b).

Una ng nagpalabas ng abiso ang APHO nitong nakaraang linggo patungkol sa paraan ng gamutan sakaling mahawa o magkaroon ng pertussis.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply