Baguio: Panukalang ordinansia kaugnay sa proteksyon ng mga magsasakang nagtatanim ng gulay at ng mag traders, naipila sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad

0
4

Baguio City – Nakapila sa Sangguniang Bayan ti La Trinidad, Benguet ang isang panukalang ordinansa na magbibigay proteksiyon sa magsasaka ng gulay at ng mga traders laban sa mga manluluko at ng manlilinlang o scammers.

Ayon kay Konsehal Bartolome Baldas Jr., ang may akda ng naturang ordinansia, makakatulong ito upang seguradong mababayadan ang mga panindang gulay ng mga magsasaka mula sa mga buyers nito. Sinabi ng naturang konsehal na ang kanyang ipinilang panukalang ordinansa ay bilang pagpapatupad ng Sangguniang Bayan na hiniling ng mga magsasaka, disposers at traders.

Inyong matatandaan na isa sa pangunahing pinoproblema ng mga magsasaka ng gulay ay ang mga bumibili sa kanila kung saan ay hindi ito nagbabayad ng kanilang biniling gulay na nagbabaon sa pagkalugi.

Ang panukalang ordinansia ay sumailalim na sa unang pagbasa sa regular session ng konseho noong lunes ng umaga. Ang nasabing panukalang ordinansa ay isinailalim na sa gaganaping deliberasyon sa Sangguniang Bayan bago ito maaprobahan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply