Baguio: Pamahalaang lungsod dinagdagan pa ang bilang ng mga jeepney na nagbibiyahe ng Dπ—’π—‘π—§π—’π—šπ—”π—‘ bilang paghahanda sa itatayong 𝗦𝗒𝗨𝗧𝗛𝗕𝗒𝗨𝗑𝗗 π—§π—˜π—₯π— π—œπ—‘π—”π—Ÿ

0
16
photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Ang bilang ng mga Public Utility Jeepneys (PUJs) na nagbibiyahe ng Dontogan – BaguioΒ  line ay itataas mula sa kasalukuyang bilang naΒ  42 units hangangΒ  66 ng mga yunits. Ito ang isa sa mga pagbabago sa ilalim ngΒ  city’s Local Public Transport Route Plan (LPTRP) bilang paghahanda para sa Baguio City Integrated Terminal (BCIT) project upang tugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa naturang lugar.Β 

 

Ayon sa pamahalaang lokal, ang pagdami ng bilang ng mga jeepneys ng Dontogon –Baguio na linya, ay resulta ng pagsasama ng dalawang ruta. Sa mga naturang pagbabago, inaasahan ang pagbigat ng situasyon ng trapiko sa kahabaan ngΒ  Palispis Highway ngunit may kabuhulang kabawasan sa pagsisikip ng trapiko sa loob ngΒ  Central Business District o ng CBD.

 

Upang mabawasan ang pagbigat ng trapiko sa kahabaan ngΒ  Palispis Highway, ipinanukala ni Acting Assistant City Engr. Richard Lardizabal ang mga alternatibong ruta na ginagamit sa kasagsagan ng rush hours tulad ngΒ  Balacbac Road, Suello Village Road, at ng Sto. Rosario Diversion Road.

 

Anya ang papapalawak ng Palispis Highway ay kasalukuyang ginagawa upang marami pang mga sasakyan ang makagamit ng naturang daan na inaasahan na makapagbabawas pa ng pagkipot ng trapiko. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/ source: Pio Baguio)

 

Leave a Reply